Pre-Colonial Times in the Philippines: Ang Hindi Batid ng Madla
Ang mga Negrito at Austronesian Marahil naituro dati ng iyong guro sa kasaysayan ang Beyer Wave Migration Theory ni H. Otley Beyer, kung saan tatlong malalaking grupo ng tao ang dumating sa Pilipinas. Ayon kay Beyer, ang nauna ay ang Negrito, tapos ang Indones, at pinakahuli ay ang mga Malay na siya umanong bumubuo sa malaking parte ng populasyon sa Pilipinas. Ngunit alam mo ba na ang teoryang ito ay matagal nang napatunayan na hindi totoo ? Ayon kay William Henry Scott, historyador ng kasaysayan ng Pilipinas at eksperto sa 16th century na Pilipinas, halos walang ebidensya at hindi kapani-paniwala ang metodolohiya na ginamit ni Beyer. Ngayon ay halos wala nang antropologo na naniniwala sa Beyer Wave Migration Theory. Si William Henry Scott ay isang historyador na malaki ang nai-ambag sa kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas bago ito naging kolonya ng mga kanluraning bansa. Kung ganoon, ano ang pinaniniwalaang teorya na umaayon sa mga nahanap na ebidensy