Pre-Colonial Times in the Philippines: Ang Hindi Batid ng Madla
Ang mga Negrito at Austronesian
Marahil naituro dati ng iyong guro sa kasaysayan ang Beyer Wave Migration Theory
ni H. Otley Beyer, kung saan tatlong malalaking grupo ng tao ang
dumating sa Pilipinas. Ayon kay Beyer, ang nauna ay ang Negrito, tapos
ang Indones, at pinakahuli ay ang mga Malay na siya umanong bumubuo sa
malaking parte ng populasyon sa Pilipinas. Ngunit alam mo ba na ang
teoryang ito ay matagal nang napatunayan na hindi totoo?
Ayon kay William Henry Scott, historyador ng kasaysayan ng Pilipinas at eksperto sa 16th century na Pilipinas, halos walang ebidensya at hindi kapani-paniwala ang metodolohiya na ginamit ni Beyer. Ngayon ay halos wala nang antropologo na naniniwala sa Beyer Wave Migration Theory.
Kung ganoon, ano ang pinaniniwalaang teorya na umaayon sa mga nahanap na ebidensya?
Sinasabing may dalawang alon ng pagdayo ng tao sa Timog Silangang Asia at Pasipiko na maaaring magpaliwanag sa kasalukuyang populasyon sa mga nasabing lugar. Ang una ay ang mga Australoid, ang ninuno ng mga kasalukuyang Negrito. Nakarating sila 5,000 - 6,000 taon na ang nakakalipas. Sila ay kilala sa pagkakaroon ng maitim na balat. Pinaniniwalaang ang ninuno ng mga Negrito ay nanggaling sa mga unang tao lumabas mula Aprika.
Ang pangalawang alon ng pagdayo ay ang mga Southern Mongoloid, o mga Austronesian. Sila ay sinasabing may kayumangging balat. Ang mga Austronesian ay nanatili sa malaking bahagi ng Timog-Silangang Asia at Pasipiko, kabilang na ang Malaysia, Taiwan, East Timor, Pilipinas, Indonesia, Brunei, Madagascar, Micronesia, Polynesia, New Zealand, at Hawaii. Ang wika ng mga grupong Austronesia sa mga bansang ito ay bahagi ng Austronesian language family, na ang ibig sabihin ay mayroong iisang lumang wika na pinanggalingan silang lahat.
Mayroong dalawang teorya sa kung paano nakarating ang mga Austronesians sa iba't-ibang bahagi ng Timog Silangang Asya. Ang unang teorya ay ang Out of Taiwan model, kung saan magmula sa Taiwan ay nagkaroon ng malakihang pagdayo sa ibang bansa dala ng pagtaas ng populasyon (5000-2500 BC). Maaaring unang nakarating ang Austronesian sa hilagang bahagi ng Pilipinas at pagkatapos ay dumayo sila pababa ng bansa, hanggang ang ilan ay naglayag papuntang Borneo at Indonesia sa timog, at sa Micronesia at Melanesia naman sa silangan.
Ang pangalawang teorya ay ang Out of Sundaland model, kung saan sinasabing nagmula ang mga Austronesian sa isang landmass sa Asya na tinatawag na Sundaland. Ngunit noong mahigit kumulang 15,000 hanggang 7,000 years ago, matapos ng huling Panahon ng Yelo (Ice Age), ay nagkaroon ng malakihang pagdayo sa ibang parte ng Timog Silangang Asya dahil sa paglubog ng ilang bahagi ng Sundaland.
Sa kasalukuyan, parehong mayroon pang mga butas ang dalawang nasabing modelo sa pagdayo ng mga Austronesiano. Ito ay nanatiling mga teorya pa lamang na nangangailangan pa ng mas matibay na mga ebidensya. Maaaring sa mga sumusunod na taon o dekada ay mayroon mga ebidensya na makakapagpatunay sa Out of Taiwan model, o sa Sundaland model, o maaaring magbunga pa ng iba pang teorya.
---
Mga larawan:
[1] http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/8/8c/ScottWiki.jpg/220px-ScottWiki.jpg
[2] http://abagond.files.wordpress.com/2009/09/lgaetawomen.jpg?w=500
[3] http://en.wikipedia.org/wiki/File:Human_Language_Families_(wikicolors).png
[4] http://en.wikipedia.org/wiki/File:Atayal.jpg
[5] https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjtqYLSnV0Ke33fzVvOCkOEm-q_qmShzUlnP-Nt5ularn3yZ1omofoG4F4PcZCRMhyphenhyphenT25w05GPtxz7VCtY2-qT3yHuwx1QloZYM4FpkIUFrpakRyORv_zU0dFc6Lw7mEec2JA8LcutgFZG_/s1600/Sundaland+2.jpg

Si William Henry Scott ay isang historyador na malaki ang nai-ambag
sa kaalaman tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas bago ito naging kolonya
ng mga kanluraning bansa.
Kung ganoon, ano ang pinaniniwalaang teorya na umaayon sa mga nahanap na ebidensya?
Sinasabing may dalawang alon ng pagdayo ng tao sa Timog Silangang Asia at Pasipiko na maaaring magpaliwanag sa kasalukuyang populasyon sa mga nasabing lugar. Ang una ay ang mga Australoid, ang ninuno ng mga kasalukuyang Negrito. Nakarating sila 5,000 - 6,000 taon na ang nakakalipas. Sila ay kilala sa pagkakaroon ng maitim na balat. Pinaniniwalaang ang ninuno ng mga Negrito ay nanggaling sa mga unang tao lumabas mula Aprika.
Ang mga Negrito ngayon
Ang pangalawang alon ng pagdayo ay ang mga Southern Mongoloid, o mga Austronesian. Sila ay sinasabing may kayumangging balat. Ang mga Austronesian ay nanatili sa malaking bahagi ng Timog-Silangang Asia at Pasipiko, kabilang na ang Malaysia, Taiwan, East Timor, Pilipinas, Indonesia, Brunei, Madagascar, Micronesia, Polynesia, New Zealand, at Hawaii. Ang wika ng mga grupong Austronesia sa mga bansang ito ay bahagi ng Austronesian language family, na ang ibig sabihin ay mayroong iisang lumang wika na pinanggalingan silang lahat.
Ang Austronesian language family ay matatagpuan sa mga bansang kulay rosas
Mayroong dalawang teorya sa kung paano nakarating ang mga Austronesians sa iba't-ibang bahagi ng Timog Silangang Asya. Ang unang teorya ay ang Out of Taiwan model, kung saan magmula sa Taiwan ay nagkaroon ng malakihang pagdayo sa ibang bansa dala ng pagtaas ng populasyon (5000-2500 BC). Maaaring unang nakarating ang Austronesian sa hilagang bahagi ng Pilipinas at pagkatapos ay dumayo sila pababa ng bansa, hanggang ang ilan ay naglayag papuntang Borneo at Indonesia sa timog, at sa Micronesia at Melanesia naman sa silangan.
Katutubong Atayal galing Taiwan na may tattoo sa mukha. Importante ang papel ng tattoo sa buhay at kultura ng mga Austronesiano
Ang pangalawang teorya ay ang Out of Sundaland model, kung saan sinasabing nagmula ang mga Austronesian sa isang landmass sa Asya na tinatawag na Sundaland. Ngunit noong mahigit kumulang 15,000 hanggang 7,000 years ago, matapos ng huling Panahon ng Yelo (Ice Age), ay nagkaroon ng malakihang pagdayo sa ibang parte ng Timog Silangang Asya dahil sa paglubog ng ilang bahagi ng Sundaland.
Sa kaliwa makikita ang sinasabing Sundaland na lumubog dahil sa huling Ice Age.
Sa kasalukuyan, parehong mayroon pang mga butas ang dalawang nasabing modelo sa pagdayo ng mga Austronesiano. Ito ay nanatiling mga teorya pa lamang na nangangailangan pa ng mas matibay na mga ebidensya. Maaaring sa mga sumusunod na taon o dekada ay mayroon mga ebidensya na makakapagpatunay sa Out of Taiwan model, o sa Sundaland model, o maaaring magbunga pa ng iba pang teorya.
---
Mga larawan:
[1] http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/8/8c/ScottWiki.jpg/220px-ScottWiki.jpg
[2] http://abagond.files.wordpress.com/2009/09/lgaetawomen.jpg?w=500
[3] http://en.wikipedia.org/wiki/File:Human_Language_Families_(wikicolors).png
[4] http://en.wikipedia.org/wiki/File:Atayal.jpg
[5] https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjtqYLSnV0Ke33fzVvOCkOEm-q_qmShzUlnP-Nt5ularn3yZ1omofoG4F4PcZCRMhyphenhyphenT25w05GPtxz7VCtY2-qT3yHuwx1QloZYM4FpkIUFrpakRyORv_zU0dFc6Lw7mEec2JA8LcutgFZG_/s1600/Sundaland+2.jpg
Salangsang Urn Burials
Marahil ito ang nararamdaman ng mga Manobo na nakatira sa Barrio Salangsang, malapit sa may talampas ng Kulaman, sa mga baybayin ng Lebak, Timog Cotabato. Sa mga yungib ng Salangsang nakatago ang mga batong lalagyan na ginamit bilang secondary burial (o lagayan ng mga buto ng namatay) noong 585 AD. Hindi pinapakailaman ng mga Manobo ang mga batong lalagyan, ni hindi sila pumapasok sa lugar, pagkat para sa kanila ito ay banal at sagradong lugar na di maaaring pasukin nino man.
Mga batong lalagyan ng Salangsang
Batong lalagyan ng lalaki
Iba-iba ren ang hugis ng mga lalagyang ito. Ang iba ay kwadrado habang ang iba naman ay silindro. Sinasabing mas luma ang mga kwadradong lalagyan habang mas bago naman ang mga silindro.
Baybayin
Kapag nagsusulat tayo sa Filipino, Bisaya, Kapampangan, o anu pa mang
dialekto o lengwahe na ginagamit sa Pilipinas, ang ginagamit nating mga
titik ay hango sa kanluran (English alphabet). Ngunit ano ang mga titik
na ginamit bago pa man dumating ang impluwensiya ng mga kanlurang bansa?
Ang baybayin ay isa sa kakaunting systema ng pagsusulat na tumubo
mula sa Timog Silangang Asia, ang iba ay galing sa Sumatra, Java, at
Sulawesi. Katulad ng mga sistema ng pagsusulat sa mga bansang ito, abugida
ren ang baybayin, na ang ibig sabihin ay kahit ano mang katinig ay
awtomatikong sinusundan ng patinig na "a." Gumagamit ng mga marka, o kudlit, para masundan ang katinig ng iba pang patinig.
Kapag ang kudlit ang nasa taas, ang kasunod na patinig ay "i". Kapag ang kudlit ay nasa baba, ang kasunod na patinig ay "u".
Baybayin
Sinasabing ang mga systema ng pagsusulat sa malaking bahagi ng Timog Silangang Asya ay hango sa Sanskrit na mula sa India.
Halimbawa ng lumang Sanskrit
Sinasabing inuukit sa tahol ng bamboo ang baybayin, at madalas ay mga maiikling sulat at paalala ang mga kasulatang inilalagay.
Nang dumating ang mga mananakop ay ikinagulat nila na may kakayahang
magsulat at magbasa ang mga katutubo. Sa ngayon, wala pang malinaw na
ebidensya sa kung gaano kalaking porsyento ng populasyon noon ang kayang
makapagsulat at makapagbasa. Ngunit ginamit paren ng mga Kastila ang
baybayin sa kanilang mga libro upang maintindihan ng mga katutubo. Ang Doctrina Christiana en lengua Espanola y Tagala (The Christian Doctrine in Spanish and Tagalog), ang unang librong inilimbag sa bansa, ay nakasulat sa Espanyol at sa Baybayin.
Doctrina Christiana
---
Mga larawan:
[1] http://www.creativeroots.org/wp-content/uploads/2010/02/baybayin_typography.jpg
[2] http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/3/3f/Devimahatmya_Sanskrit_MS_Nepal_11c.jpg
[3] http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/7/7c/DoctrinaChristianaEspanolaYTagala8-9.jpg
Lingling-o
Pumunta ka lamang sa kahit saang mall ay maaari ka nang makabili ng
iba't-ibang klaseng alahas. Ang mga ito ay iba-iba ren ang disenyo, ang
kulay, at ang materyales na ginamit. Mayroong gawa sa mamahaling bato o
metal, at meron namang plastic lamang. Madali na lamang para sa atin ang
bumili nito kailanman natin gustuhin.
Ngunit para sa ating mga ninuno, kinailangang sila mismo ang gumawa ng mga hikaw, alahas, at pulseras nila. Ang lingling-o ang itinawag sa isang tipo ng mga alahas na gawa sa batong-lungtian noong Maagang Edad ng Metal. Ang ilan sa mga ito ay mga hikaw na hugis singsing at may nakausli sa ilang bahagi na hugis supang.
Ang imahe sa taas ay nagpapakita ng mga lingling-o, ang nasa pinaka-kaliwa ay nagmula sa Vietnam, habang ang dalawa sa kanan ay galing sa Pilipinas. Ngunit ayon sa mga eksperto, iisang lugar sa Taiwan ang pinanggalingan ng batong-lungtian na materyales nito. Pinapakita lamang nito na nagkaroon ng kalakalan sa iba't-ibang lugar sa Timog Silangang Asya.
Gumamit ren ng ibang materyales (tulad ng bato) ang mga sinaunang tao sa Pilipinas. Pinaghihinalaan na ang mga lingling-o na gawa sa batong-lungtian ay para sa mga mas nakakataas noong mga panahon na iyon.
Hanggang ngayon ay makakahanap ng mga alahas na hawig sa lingling-o sa mga grupo ng Ifugao o Igorot. Ngunit ang sa kanila ay gawa sa tanso o bakal.
---
Mga larawan:
[1] https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg3_f5EFAWOhZjjELrIdpb0GPM_9iOTq-mCrqnh2_4pgU685-kNrjlch3Cw3awHDEKIO47BDLrOnmDEbB1GvrgKnQJpu147mfdS0-ZQ5dcQgUHigFZgYZ1VDaBptNo_P9rWHCvNZ8NxvFad/s1600-h/PC050030.JPG
[2] http://news.softpedia.com/newsImage/5-000-Years-Old-Jade-Earrings-Betray-Long-Route-Seafaring-2.jpg/
[3] https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgLX00cPWXsqpLwM1uq8iGYmQJiyNvnDqhnJMygcwHEWbsXiq8zXi8cZxBfi6dCnLvSCsTyr4NSUFZRTF_tZxdat3yhQnbwFbtAuaKZqS0aDSgYSxrQP6QNOXzbmzTVS-VeMkW8Bp7lCbg/s400/DSCN0168_small.JPG.jpeg
Iba't ibang alahas ang matatagpuan ngayon sa merkado

Ginto
Ginto na alahas ng mga Tagalog, mula sa Boxer Codex.
Walang kasintulad ang kasaysayan ng ginto sa ating bansa. Sinasabing ikinagulat ng mga Kastila dami ng gintong alahas at kung gaano tila pangkaraniwan lamang itong parte ng kasuotan ng mga tao. Sinulat ng Italyanong si Pigafetta na kakailanganin mo lamang hawiin ng kakaunti ang lupa upang makahanap ng mga ginto kasinlaki ng wolnat. Ito marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit pinagka-interesan ng mga mananakop ang ating bansa.
Ngunit napansin ng mga Kastila na hindi gahaman ang mga katutubo sa ginto. Kinukuha lamang nila ang kailangan nila, at mas ninanais na hayaan na lamang sa ilalim ng lupa ang ibang ginto upang hindi ito manakaw. Sa katunayan, ang pagkamkam ng mga Kastila sa mga kayamanan ng mga katutubo ay nagtulak sa kanila na tigilan ang pagmina ng ginto.
Tandaan ang tatlong "G" na motto ng mga mananakop: Gold, God, & Glory
Napakahusay ng pag-gamit ng ating mga ninuno sa ginto, at hindi maisip kung papaano nabuo ang mga alahas na nahukay mula sa mga excavation sites. Pinapakita na mayroong malalim na kaalaman ang mga katutubo sa pag-gamit ng ginto. Pinapatuyan ren nito na mayroong mataas na antas ng sibilisasyon ang mga grupo ng tao sa Pilipinas bago pa man dumating ang mananakop.
Isa marahil sa pinakamaganda at malaking alahas na gawa sa ginto na nahanap sa Pilipinas ay ang "Sacred Thread." Ito ay gawa sa purong ginto na mataas ang kalidad, at mayroong bigat na 4 kilos. Sinasabing pareho ito sa ginagamit sa India para sa mga seremonya.
Ang "Sacred Thread"
Detalye ng "Sacred Thread"
Comments
Post a Comment